umuulan na naman... banal ang bawat patak... dahil ito ay dulot ng bawat butil ng pananampalataya ng bawat isang taong nanalangin noong nakaraang buwan... nasobrahan naman ata... bumabaha na... pero sa wari ko'y hindi naman ang Diyos ang may nais bumaha... dala na ito ng panahon... gawa na ito ng tao, dahil hindi nila iningatan ang yamang kalikasan... umulan... para iparamdam sa atin ng Diyos Ama na nariyan siya't nakikinig at nagmamasid... nagmamahal sa atin... bumaha naman... para ipaalala naman sa atin na tayo man ay may dapat gawin maliban sa manalangin...dapat nating ingatan ang kalikasan bago mahuli ang lahat para sa mga susunod na henerasyon... makapangyarihan ang kalikasan, pero mas makapangyarihan ang Diyos...makapangyarihan ang panalangin at pananampalataya pero kung wala namang kaakibat na gawain... wala rin itong saysay... naintindihan ninyo ba ako? sana... para hindi naman sayang ang sinulat ko...